Pangalawang Panaginip

Pangalawang Panaginip

Arwen_sobbing1_1

Mamaya, iiyak na naman ako. Pag iniwan ko na ang mundong marami akong kausap at maraming pinoproblema. Pag nag-iisa na ako, ikaw na lang ang iisipin ko.

Dumilim ang tingin ko sa mundo nang marinig kong binaggit mo ang pangalan niya.  Isang sugat na naman to sa pagkatao ko, sa puso ko. Ni ayaw ko na namang marinig ang pangalan mo.

Hindi ko maiwasang malungkot. 

Habang hawak ko ang kamay nya, iniisip kong ikaw sya, pero walang epekto kasi iba ka. Nakakatawang isiping Ikaw pa rin yung gusto ko. Sa napakaraming pagkakataong may iba akong kasama, bakit hindi ko maiwasang  ikumpara ka sa kanila? Bakit ikaw pa rin yung hinihintay ko kahit alam kong hindi ikaw yung darating?

Kanina, tinanong mo kung kumusta ako, siguro dahil nakunsenya ka.

Siguro dahil naisip mong dapat kasi ikaw na lang yung nanatili sa tabi ko.  Pero mas pinili mo kasi siya. Kaya heto, isa na naman akong bulaklak na lilingunin mo na lang pag kailangan, at kalilimutan pag hindi. Pero sabi ko nga, sanay na ako sa iyo.

Sa kabila ng lahat, hihintayin pa rin kita….katulad ng dati..mananatili akong nananaginip hanggang maubos ang luha ko. Iiyak ko na lang lahat ng sama ng loob. Tatalikuran ang sakit, kakalimutan na rin siguro kita… sana lang ngayon, kaya ko na. Sana………………

Bookmark and Share

Leave a Reply